Maraming salamat dahil hindi ka nagsasawang pagsabihan ako na kumain naman ako ng patago sa mga panahong napaka-busy sa aking trabaho. Ngunit,ikinalulungkot ko na naubos ko na ang Oatmeal Cookies dito sa bahay na dapat sa trabaho ko dinadala.
Pagpasensyahan mo na, dahil kung matatandaan mo noong araw na huli tayong nagkita hindi ako makabitaw sa aking Blackberry dahil na din sa aking nababasa sa Twitter at kaka-check-in sa foursquare. Naramdaman mo din naman ito noong pinahiram ko sa iyo ang aking selepono para makapag-tweet at makapag-check-in din. Hindi mo din nagawang bitawan.

